Pinay target ng ‘online dating sites’


MANILA, Philippines –  Nagbabala kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinay na mag-ingat sa mga “online dating sites” sa internet matapos na dumagsa ang mga reklamo ng Konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou, China.

Ayon sa report, binibiktima ng sindikato ang mga American, British, Australian at German nationals na ipakikilala naman sa mga Pinay na ginagamit na pain para makakikil ng pera.

Ang mga Pinay uma­nong ito ay sinasabing mga manggagawa na nakabase sa China na ipakikilala sa mga bibiktimahing dayuhan sa pamamagitan ng website. 

Ang kanilang modus operandi, kapag nagkapalagayang loob na ang Pinay at nakatakda nang umalis sa China upang makipagkita sa biktima ay sasabihing pinipigil ito ng airport authorities o local customs at immigration officials dahil sa hindi natapos na employment contracts. Bunga nito, ang magpapakilalang customs at immigration officials ay kokontak naman sa biktima (ka-chat na dayuhan) at hihingi ng pera para sa pagpapalaya sa kunwaring pinipigil na Pinay.


Umaabot sa US$6,000 ang hinihinging halaga ng sindikato mula sa nagpapakilalang customs at immigration officials para sa release ng umano’y Pinay. 

Sinisilip na ng mga awtoridad ang ilang travel agencies sa nasabing scam.

Nang makarating ang ulat sa Chinese authorities ay hindi na nila ma-access ang telepono at ang websites at disconnected na rin.

Article source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=648199publicationSubCategoryId=92


Tags: facebook, hacking, myspace, online-dating, social media, twitter

Category: Social Media Threats

Leave a Reply